top of page

5 REASONS WHY WE ASK THE QUESTION "MAY MARARATING PA KAYA AKO?"

  • Writer: Late Bloomer Jeff
    Late Bloomer Jeff
  • Jan 30, 2025
  • 5 min read

5 REASONS WHY WE ASK THE QUESTION

"MAY MARARATING PA KAYA AKO?"


Madalas kong naririnig yan sa

sarili ko, sa kaibigan at sa kapamilya. Never ending question ng mga tao sa sarili nila.


Bakit ba natin yan tinatanong?

Dahil ba wala talaga tayong mararating?


o sadyang nakafocus lang talaga

tayo sa narating ng iba. Kaya nadidisregard na lang natin yung progress natin.


Meron akong posibleng sagot kung bakit natin tinatanong kung "MAY MARARATING PA KAYA AKO?"

  1. WE ARE NOT CONTENTED WITH THE PRESENT SITUATION

Bilang tao meron tayong pangarap, aspirations o dream life kumbaga.


Kapag hindi yun match sa present situation natin more likely we will ask ourselves, "MAY MARARATING PA KAYA AKO".


Alam mo it's a good thing na aware ka na hindi match yung present mo sa dream mo kasi wala sa equation ang salitang "freedom".


Yung iba nga di nila nafifigure out yun eh.


Alam mo ang sabi nga sa quote eh,

The best prison ay yung hindi mo alam na nasa prison ka.


Kaya it's up to you na,


it's either malugmok ka maghapon dahil hindi match yung present sa dream life mo.


Or magpatuloy ka lang, have faith in GOD, yourself and your journey.


Sabi nga sa quote eh, "Life is a marathon not a sprint".



  1. YOU FOCUS TOO MUCH ON THE ACHIEVEMENT OF OTHERS.


Ito ang sampal sa mukha sa atin.


Lahat ng tao may insecurities, dala

na din ng environment natin nung bata.


Minsan kasi kinocompare din tayo ng mga

parents natin sa mga ibang bata nung

elementary at hanggang sa pagtanda.


Mali ba sila? Di ko alam.


Base sa Psychology nakakababa naman

talaga ng self esteem yun kasi puro na

lang achievements ng iba ang nakalagay

sa isipan natin.


What can we do about it?


Maraming posibleng sagot pero

ang simpleng bagay lang na magawa natin

ay yung "TAPIK SA SARILI".


Kapag may naaachieve akong simpleng

bagay ay kinocongratulate ko ang sarili

ko sa pamamagitan ng pagtatapik.


Sinasabi ko, "ANG GALING MO AH".


Tandaan mong hindi trabaho ng ibang

tao na Iappreciate yung wins mo kundi


trabaho mo yan.


  1. YOU HAVEN'T FOUND YOURSELF YET.

"hanapin ko muna sarili ko".


Sa iba katangahan yun.


Alam mo ang phrase na yun ay hindi literal

na namisplace mo sarili mo.


Finding yourself is knowing who you are.


Anong gusto mong gawin sa buhay.


Anong mga pangarap mo.


What motivates you.


Mga ganung rhetorical questions kumbaga.


Bilang tao, mahalagang mahanap natin ang sarili natin kasi kapag hindi natin alam kung sino tayo aassignan tayo ng ibang tao.


Imaginen mo identity mo ibigay lang sayo ng mundo.


"OY ITO KA AH! EXTRA KA LANG SA BUHAY, HINDI KA MAIN CHARACTER SA SARILI MONG KWENTO".


Nakakaloko naman talaga diba?


Parang birthday mo tapos di ka invited.


Pero seryoso, finding ourselves is not an easy task.


Finding yourself is a painful experience.


The journey is lonely, full of doubts and uncertainties.


The best move para makilala natin ang sarili natin is to introduce it to others.


What? Introduce ko lang sarili ko sa iba tapos makikilala ko na sarili ko? Paano?


Ganito yan, self discovery happens when you help other people's problem.


Saying from my personal experience hehe.


I found myself teaching people about my journey and how to overcome things kasi walang nagturo sakin nung nahihirapan ako.


Dito pumapasok ang "PURPOSE", find your purpose and you will know who you are.


Naging ganun ang purpose ko nung inintroduce ko yung sarili sa iba, mga struggles ko at kung anong mali ko para maiwasan.


So ganun, TO KNOW ONE SELF IS TO INTRODUCE TO OTHERS FOR YOU TO KNOW YOUR PURPOSE.


  1. YOU ARE AFRAID OF PEOPLE'S JUDGEMENT.


Well sa rule of thumb, kapag magbebenifit ka sa judgement nila take it as an advice.


Kung masisira ka naman, take it as a challenge.


Ganito ko tinitingnan ang judgement or opinions ng iba.


Does it improves me? Kung oo then iaapply ko.


Does it ruins me? Kung oo edi I'll take it as a challenge na hindi ako tulad ng iniisip nila.


A KILLER TO THIS FEAR OF JUDGMENT OF OTHER IS TO OVERCOME NUMBER 3.


You heard it right, kung kilala mo sarili mo then opinions never matters.


We are afraid to have a step kasi baka anong sabihin nila kaya nagsstay na lang tayo sa comfort zone natin to the point na hindi na tayo umuusad at napapatanong na lang tayo "MAY MARARATING PA KAYA AKO?".


Tama ako o Tama?


Piece of advice siguro..


Never be afraid of mistakes kung MAGKAKAMALI ka man o mga judgement nila o sasabihin nila.


In the end of the day, people learn through mistakes, walang natututo kapag puro na lang tama at puro na lang achievements ang nangyayari sayo.


EMBRACE PAIN,

EMBRACE MISTAKES,

EMBRACE IMPERFECTIONS AND

EMBRACE YOURSELF.


  1. YOU FOCUS ON EARLY GRATIFICATIONS.


    Isa yan sa mali natin.


    Sinanay tayo na dapat kada galaw you'll be rewarded instantly.


    Hindi tayo aso na kapag sinabihan tayo na "play dead" tapos ginawa natin ay marerewardan agad tayo ng treat.


    Think big kasi the bigger the plan, the longer it would take to build it.


    Nasanay lang rin kasi tayo sa instant na dapat bukas meron nang resulta.


    Natawa nga ako sa isang quote na sabi ni Hussain Bolt yung Jamaican na mabilis tumakbo.


    Sabi niya, madaming nagququit dahil walang resulta ng ilang months sa ginagawa nila.


    Sabi niya ako nga "Nagtrain ako ng 4 years para tumakbo ng 9 seconds".


    Nung nabasa ko yun, natawa ako at the same time nainspire.


    Kasi oo nga no? Ang bilis natin sumuko habang yung iba ilang taon na pala sa craft nila.


    ANG REALIZATIONS KO SA SINABI NI MR. BOLT, "THINK LONG, DON'T THINK SHORT".


    Di tayo dapat nagfofocus sa early gratifications dapat sa late gratifications.


    The more na inientertain natin ang early gratifications the more na kinocompromise natin ang bigger rewards.


    Life is a sacrifice o sa economics pa merong opportunity cost.


    Ganito yan, it would be best to explain in a simple scenario.



    Kailangan mong isave ang mumunting barya para mabuo siya into bigger amount para mabili mo yung mamahalin na bagay


    Or


    Kapag meron kang barya, gagastusin mo agad agad para sa mga walang kwentang bagay and then regret dahil wala ka nang pera nung dumating na yung opportunity para bilhin yung mamahalin na bagay na yun.


    I know relate ka sa scenario.


    Lahat naman tayo guilty dyaan.


    We should teach ourselves the power of late gratification.


    Think long term..


    Ano kayang impact ng bawat actions ko ngayon in the long run?


    Bilang Late Bloomer tinuturo ko sa sarili ko na, mahalagang calculated ang galaw kung di man perfect ay dapat pinagisipan.


    Yes di tayo dapat matakot sa pagkakamali pero hanggat maaari hindi tayo dapat magkamali.


    Does it make sense?


    Kobe Bryant explains it best,


    "I'm not afraid of losing but I hate losing".



    LIFE HAS BEEN SO OVERWHELMING ISN'T IT?


    Lalo na madaming guidelines, madaming rules, madaming beliefs at madaming nagmamarunong.


    Life as a Late Bloomer has been a challenge, an adventure, a leap to the unknown pero life itself is exciting.


    You will never know what's going to happen.


    ONE ADVICE NA MAIBIBIGAY KO SA SARILI KO AT SA IBANG TAO...


    Know your purpose and everything will follow.


    Ako ulit si Jeff Generale, isang Creative Late Bloomer na gustong magdrawing, magsulat, magrap at magsalita.


    If you find my blog helpful to you, please do follow on my social media or perhaps subscribe to my newsletter para updated ka sa twice a week blogs ko about my journey as a Late Bloomer.


Comments


bottom of page